Spread the Love. ♥


the name's ANGELLA. Call me Dyella. I'll be turning 16 this June 26. i love my life. And this is my page. I'll post what I want. I don't own anything here unless it is stated. know me more?




theme by coryjonny
powered by tumblr
Huling apat na buwan ko sa pagiging HighSchool.

Parang kailan lang ako gigising ng maaga dahil sa pupunta ako sa kapitbahay para maglaro. Parang kailan lang ako natutong magsulat. Parang kailan lang ako nkakanta ng Alpabeto, yung ELEMENOP pa yung pgkanta. :)) Parang kailan lang ako natutong magbasa. Parang kailan lang ako natutong pumasok at umupo sa isang gilid na hindi iiyak pag aalis na si Nanay. Parang kailan lang ako tinukso ng titser para mag recite sa harapan ng Lupang Hinirang. PARANG KAILAN LANG.

Ang bilis ng takbo ng panahon. Di mo namamalayan. Tatangkad ka na. Tutubuan ka na ng mga buhok. Lalaki yung nasa hinaharap mo. Marunong ka nang maglagay ng pulbo sa mukha, lipstick, at kung ano ano pang kolorete sa mukha. Marunong ka nang magpakipot. Mgpka torpe at higit sa lahat, maging patago. Patago kung magtxt para d mahuli ni titser. Patago kapag nag de-date. Patago kung magmahal. :)

Sa loob ng halos apat na taon sa pagkukulong sa rehas na puno ng mga kalungkutan, katatawanan, kabiguan, nakakilala ka ng halos iba’t ibang tao. Yung mga tipong kahit na pasan na yung buong mundo eh natuto pang tumawa, yung mga tipong, hindi na makaalis sa highschool dahil sa pasaway pa, yung tipong hindi makakita ng kasing taas o kasinlaki nila kung mag-away, yung tipong kahit walang pera, nag-aaral pa rin para pumasok. Iba kasi pag nkapag-aral ka, kahit hindi ka nakapagtapos, at least mararanasan mo yung kaligayan kung recess, vacant, early lunch, early dismissal, ang walang hangganang YES o YEHEY kapag absent ang teacher, hindi mo maranasan na magaya yung mga mannerisms ng mga strict mong teachers.

FLAG CEREMONY. - isang seremonyang hinding hindi mawawala every Monday. Yung iba hindi binibigyang pansin, yung iba pumupunta lang dahil sa baka marinig naman yung PRUUUUUUUUT! ni Kuya Guard. Dito kayo mabubusog sa walang hangganang sermon ng Principal na kahit sasabog na ang kanyang lalamunan eh wala ka pa ring pakialam.

…to be continued, may pupuntahan pa! :)